Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na nahuhuli dahil sa paglabag ng umiiral na gun ban ngayong panahon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa Philippine National Police (PNP), pumalo na sa 1,135 ang nahuli dahil dito kung saan karamihan dito ay pawang mga sibilyan.
Dahil dito, nakakumpiska na ang PNP ng aabot sa 854 na armas.
Habang pumalo na sa 1,655 na armas ang idineposito sa pambansang pulisya sa kasagsagan ng gun ban ngayong BSK elections at nasa 696 naman ang kusang isinuko.
Magtatagal ang gun ban hanggang November 29, 2023.
Facebook Comments