Bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa, umabot na sa 72 milyon ayon sa DOH

Sumampa na sa 72 milyon mga Pilipino ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang ay nasa 6.8 milyon ay mga senior citizen; 9.8 milyon ay mga kabataan at 4.3 milyon na mga bata ang nabakunahan na laban sa sakit.

Habang, mahigit 16.8 milyon indibidwal ang nakatanggap na ng unang booster shot at 1.7 milyon indibidwal naman ang nakapagturok na ng pangalawang booster shot.


Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na magpabakuna at magpaturok na rin ng booster shot sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito rin ay karagdagang proteksyon laban sa mga naitatalang kaso ng Omicron subvariants.

Bukod pa rito, ang pagsunod sa mga safety and health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments