BILANG NG MGA NABAKUNAHAN LABAN SA COVID-19 SA ISABELA, MAHIGIT 230,000 NA

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 230,000 ang bilang ng mga nabigyan na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office, mayroon ng 234, 336 indibidwal sa Isabela ang nabigyan ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Habang nasa 415,014 katao naman sa Lalawigan ang nakatanggap na ng kanilang first dose.


Sa ilalim ng A1 priority group, 99.8 porsyento na sa mga ito ang nabakunahan; 73.1 porsyento sa A2 priority group; 92.8 porsyento sa A3 priority group; 112.7 porsyento sa A4 group at 26.0 porsyento naman sa A5 priority group.

Umaabot naman sa 3,913 katao ang nabakunahan sa Pediatric A3 habang ang rest of pediatric population ay nasa 10,773 at nasa 47,772 naman sa tinatawag na Rest of the adult population.

Mula 70 porsyento na target na mabigyan ng kumpletong bakuna, nasa 38.06 porsyento pa lamang sa target population ang nabakunahan sa probinsya maliban pa rito ang datos ng vaccination ng Santiago City.

Facebook Comments