Bilang ng mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, nasa mahigit 85,100 na

Inihayag ni Jimmy Isidro, tagapagsalita ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na nasa 85,172 na ang nababakunahan laban sa COVID-19 na mga residente ng lungsod.

Mula sa nasabing bilang 68,680 nito ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang ang 16,492 ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ang A1 o Senior Citizen, 4,170 ay nabakunahan na ng first dose habang ang 3,053 ay nabigyan na ng 2nd dose.


19,002 na mga nasa A2 o medical front-liners ang nabakunhan ng first dose at 3,248 naman ang naturukan na ng 2nd dose.

Ang A3 o persons with comorbidities, nasa 45,406 na ang nakatanggap na unang dose at 10,119 na naman ang nakakumpleto na ng dose ng COVID-19 vaccine.

Nagsimula na rin magbakuna ang lungsod na kabilang sa economic fronliners o A4, kung saan 102 na ang nabakunahan ng 1st dose at 72 na ang nabakunahan na ng 2nd dose.

Samantala, ngayong araw, nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 sa lungsod na kabilang sa A2 at A3 para sa unang dose.

Kung saan bukas ngayong araw ang dalawang mega vaccination site ng lungsod tulad ng Mandaluyong City Medical Center Mega Vaccination Site at JRU mega vaccination site.

Bukas din ang Pedro P. Cruz Elementary School at Andres Bonifacio Integrated School na vaccination centers ng lungsod.

Facebook Comments