Pumalo na sa 850,427 na mga indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Ito ay batay sa datos na nakalap ng City Health Office o CHO ng lungsod kahapon.
Mula sa nasabing bilang, 458,068 sa kanila ay nabigyan na ng unang dose habang 408,458 naman ay kumpleto na ang dose ng bakuna laban sa nasabing sakit.
Batay sa datos ng CHO Mandaluyong, kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga priority category tulad ng A1 senior citizens, A2 o Medical forntliners, A3 o mga may sakit, A4 o mga manggagawa at A5 o mahihirap na sector.
Patuloy naman ang ginagawang pagbabakuna ng lungsod kontra COVID-19.
Sa katunayan, kahapon ay nakapagbakuna ang lungsod ng 1,339 na indibidwal para sa second dose.
Facebook Comments