Cauayan City, Isabela- Aabot na sa halos isang milyon ang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office as of December 27, 2021, mayroon ng 943,941 katao o katumbas ng 85.36% ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa buong probinsya.
Umaabot naman sa 677,671 indibidwal o 61.67% ang nabigyan na ng kumpletong bakuna.
Sa kasalukuyan, nasa 85.36% na ang vaccination rate ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela habang nasa 93% naman ang vaccination consumption.
Mula sa naturang datos, 100% na ang nabakunahan sa A1 priority group o frontliners; 87.2% sa priority group A2 o mga senior citizens; 110.8% sa priority group A3 o mga may comorbidity; 171.1% sa priority group A4 o essential workers, frontliners in government offices at uniformed personnel; 72.1% sa priority group A5; 5,086 sa Pediatric A3; 149,620 sa Rest of Pediatric Population at 182,698 naman sa Rest of the Adult Population group.
Ang nasabing bilang ng mga nabakunahan sa Isabela ay maliban pa sa datos ng vaccination activity ng Santiago City.