Kabuuang 46,251,087 doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa hanggang kahapon, October 2.
Sa nasabing bilang, 24,513,343 ang nakatanggap ng unang dose habang 21,737,744 ang nakakumpleto na sa bakuna.
Ayon kay Nationak Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Calito Galvez Jr., kumpiyansa ang gobyerno na mababakunahan na rin ang mga kabataang 12 hanggang 17 anyos sa harap ng dumaraming suplay ng bakuna sa bansa.
Nabatid na aabot na sa 77,410,640 doses ang suplay ng bakuna sa bansa makaraang dumating ngayong araw ang nasa 1.8 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX facility.
Facebook Comments