Bilang ng mga nabakunahan sa bansa, umaabot na sa 2.5 milyon

Umabot na sa 2,539,693 indibidwal sa bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, 2,025,038 rito ay nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 514,655 naman ang fully vaccinated na o nakatanggap kapwa ng una at pangalawang dose ng bakuna.

Sinabi ni Cabotaje na humingi na rin ng commitment ang Department of Health (DOH) sa mga Regional Health Unit (RHU) at mga lokal na pamahalaan para tiyakin ang mabilis na pagbabakuna sa mga rehiyon.


Aniya, may ilang Local Government Unit (LGU) kasi ang maaaring mag-alinlangan dahil kaunti palang ang dumarating na bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Cabotaje na nasa 43.64% na ng mahigit 193,000 doses ng Pfizer vaccines ang nai-deliver na sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang alokasyon para sa Cebu at Davao ay nai-deliver na aniya nila habang patuloy naman ang delivery sa iba pang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments