Bakunado na ang nasa 211,614 na residente ng Caloocan City.
Batay sa tala ng Caloocan Health Office, mayroon ng 168,734 na nasa A1, A2 at A3 priority group ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine habang 420 naman ang tumanggap na ng second dose.
Sa A4 priority group as of June 6 ay mayroong isandaang residente ang nabigyan ng first dose habang tatlumpu ang nabakunahan ng second dose.
Sa ngayon ay mayroon na lang na 20,000 doses ng vaccine ang Local Government Unit (LGU) at inaantay pa ang karagdagang 99,000 doses na pangako ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments