Bilang ng mga nabakunahan sa Maynila, halos 100,000 na

Umabot na sa 96,769 na mga kwalipikadong indibdwal ang nabakunahan na sa Maynila.

Ayon sa Manila Local Government Unit (LGU), kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga nasa A1, A2 at A3 priority groups.

53,984 naman ang kabuuang bilang ng mga nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose ng bakuna.


12,001 ang nabakunahan ng unang dose ng AstraZeneca.

1,042 naman ang tumanggap ng ikalawang dose ng nasabing bakuna habang nasa 222 ang nabakunahan ng Pfizer.

Facebook Comments