Bilang ng mga nabakunahan sa Maynila, umabot na sa higit 22,000

Umaabot na sa 22,340 na indibidwal ang nabakunahan sa lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga nabakunahan ay mula sa Groups A1, A2 at A3.

Pinakabagong nadagdag sa listahan ng mga nabakunahan ang 4,531 na indibidwal – 4,031 sa mga ito ang naturukan ng unang dose ng AstraZeneca, 230 ang nabigyan na ng pangalawang dose ng Sinovac at 134 ang tumanggap ng pangalawang dose.


Ang mga nabigyan na ng 2nd dose ng bakuna ay pawang medical frontliners.

Kabuuang 4,665 naman ang mga na-deploy na mga bagong bakuna.

Facebook Comments