Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 101,384 na indibidwal na kabilang sa priority A1 hanggang A3 ang nabakunahan kontra COVID-19 ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon kay Janriel Lavadia, vaccination focal person, ang mga babakunahan na kasama sa listahan ay ang 48, 714 health care workers, 33, 883 senior citizens at 187, 425 individuals with comorbidities o katumbas ng 16.56 percent vaccination rate mula sa 612,232 na target sa A1 hanggang A3 priority individuals.
Giit pa ni Lavadia, nasa 143,895 doses ng bakuna ang na-ideliver na sa mga probinsya ng rehiyon kasama ang 60,810 Sinovac brand, 82,500 Astrazeneca at 585 Pfizer.
Tanging sa lalawigan ng Quirino lang ibinigay ang Pfizer brand dahil sila lamang ang may cold storage facility na nakatugon sa required temperature ng nasabing brand.
Sinabi rin niya na may natitira pang 1,500 doses ang hindi pa nai-dedeliver na bakuna sa coastal towns ng rehiyon.
Samantala, may 385 katao naman ang tumanggi na mabakunahan dahil sa paniniwala sa relihiyon o personal at takot na mabakunahan.
Umaasa naman ang ahensya na mas marami pang indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19.