Bilang ng mga nabiktima ng paputok, nadagdagan pa!

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula December 21 hanggang alas 5:59 ng umaga ngayong araw umabot na sa 19 ang fireworks-related injury.

Aminado si DOH Secretary Francisco Duque III na dismayado siya kahit mas mababa ito kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon.


Dagdag pa ng kalihim – kung siya ang tatanungin, mas pabor siyang magpatupad ng total ban sa paggamit ng paputok.

Facebook Comments