BILANG NG MGA NABIKTIMA NG PAPUTOK SA REHIYON UNO, MAS MABABA NGAYONG 2026

Nasa kabuuang 170 kaso ng firework-related injuries (FWRI) mula December 21, 2025 hanggang alas-5 ng hapon ng January 1, 2026 ang naitala ng Department of Health (DOH).

Ayon sa datos, may karagdagang 92 kaso na naitala lamang noong January 1, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Gayunman, mas mababa ito ng 2.3 percent kumpara sa kaparehong panahon noong January 1, 2025, na may 174 kaso.

Lumabas sa ulat na ang pinakakaraniwang sanhi ng mga pinsala ay ang paggamit ng kwitis, whistle device, boga, at mga unlabeled firecracker.

Pinakaapektado ng mga insidente ang edad 10 hanggang 14 taong gulang na bumubuo sa 20.6 percent ng kabuuang kaso.

Sa aspeto naman ng kasarian, 82.9 percent ng mga biktima ay kalalakihan.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok at sa halip ay gumamit ng mga ligtas na alternatibo upang maiwasan ang mga aksidente at pinsala, lalo na sa mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments