Umabot na sa halos 3 milyong Pilipino ang naghain ng kanilang aplikasyon para sa voters’ registration para sa May 2022 elections.
Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), nasa 2,770,561 voter registration applicants ang naitala mula September 1, 2020 hanggang April 20, 2021.
Ang CALABARZON ang may pinakamaraming aplikante na may 396,529; kasunod ang Metro Manila (295,357), Central Luzon (271,869) at Central Visayas (202,370).
Sa ngayon, suspendido ang voters’ registration sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino at Santiago City sa Isabela hanggang April 30.
Ang paglalabas ng voters’ certification sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay suspendido rin.
Para sa nalalabing bahagi ng bansa o sa mga nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o modified GCQ, nagpapatuloy pa rin ang voters’ registration na magtatagal hanggang September 30, 2021.