Patuloy na tumataas ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa pasukan.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mula sa 20.6 million kahapon, umabot na ngayon sa 21.5 million ang mga nag-enroll para sa School Year 2024-2025.
Kabilang dito ang mga nagpatala sa elementary, junior high school, senior high school, at Alternative Learning System (ALS).
Pinakamarami sa mga nag-enroll ay sa Region 4-A na nasa 3.2 million, sinundan ito ng Region 3 at National Capital Region (NCR) na parehong may 2.2 million na mga estudyante na nag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral na mag-eenroll sa mga susunod na araw matapos na maantala ang pasukan sa ilang lugar dahil sa pananalasa ng Habagat at Bagyong Carina.
Facebook Comments