BILANG NG MGA NAG-ENROLL SA ILOCOS REGION, BUMABA NG 19% AYON SA DEPED REGION 1.

Nakapagtala ng 1.04 milyon na enrollees ang Ilocos Region mula kindergarten hanggang senior high school ngayong school year ayon sa DepEd Region 1.

Mababa umano ito kumpara sa 1. 29 milyon na naitala noong nakaraang school year.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga enrollees ay dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Cesar Bucsit ang Public Affairs Unit Head ng ahensya, ang labing apat na Schools Division sa rehiyon ay hindi naabot ang 100% enrollment turnout.


Umaasa naman ang ahensya na madadagdagan pa ang bilang ng mga enrollees sapagkat maari pang magpatala hanggang ika-30 ng Setyembre ngayong buwan.

Patuloy naman ang panawagan sa mga magulang na ienroll ang kanilang anak sa kabila ng nararanasang pandemya sapagkat sinisigurado ng mga ito na istriktong ipatutupad ang minimum public health standard sa pagkuha ng modules.

Facebook Comments