Bilang ng mga nag-enroll sa public school, mahigit 26.2-M na

Pumalo na sa mahigit 26.2 million ang mga mag-aaral na nag-enroll sa mga pampublikong paaralan.

Ito ay para pa rin sa SY 2023-2024 kung saan hanggang ngayon ay bukas pa rin ang Department of Education (DepEd) sa pagtanggap ng late enrollees.

Wala namang desisyon pa ang DepEd kung palalawigin pa ang September 30 deadline sa pagtanggap ng late enrollees.


Sa ngayon, halos 4 million na ang mga mag-aaral na nagpatala sa public schools sa Region 4-A habang sa Region 3 ay halos 3 million na at sa National Capital Region ay halos 3 million na rin.

Facebook Comments