Sa kakatapos lamang ng Certificate of Candidacy Filing para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 noong nakaraang linggo, pumalo sa higit 57K ang naitala ayon sa COMELEC Pangasinan.
Sa esklusibong panayam ng IFM Dagupan kay Atty. Marino Salas, COMELEC Provincial Election Supervisor, sa kabuuang bilang pumalo sa 57, 746 ang nakapag-file ng kanilang COC sa buong probinsya ng Pangasinan kung saan nasa 3, 593 ang nakapag-file sa posisyong Punong Barangay, 28, 580 naman sa pagka-Kagawad.
Habang sa Sangguniang Kabataan ay nasa 3, 817 ang nagsumite ng kanilang COC sa pagiging SK Chairperson at nasa 21, 756 naman ang nakapag-file sa pagiging SK Kagawad.
Ayon pa kay Atty. Salas sa mga nakapag-file ng COC, considered na anila sila bilang candidate sa BSKE 2023 kaya’t ipinaalala nito bawal pa ang pangangampanya hangga’t hindi pa nag-uumpisa ang campaign period dahil kung nagsagawa na aniya sila ng campaigning, maaari silang patawan ng kasong ‘premature campaigning’ na isang election offense kung saan maaaring makulong ng isang taon hanggang anim na taon at maaaring madiskwalipika ang naturang kandidato kung mapatunayan na ito ay lumabag sa bata.
Samantala, sa kakatapos lamang na COC Filing naging generally peaceful ang naganap na aktibidad kung saan aniya pa, wala pang mga lugar na maituturing na kabilang sa areas of concern ngunit may mga lugar aniyang binabantayan ang kapulisan sa lalawigan ngunit hindi pa ito maaaring isa-publiko ng awtoridad dahil under validation pa ito. |ifmnews
Facebook Comments