Bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa buong mundo, lumampas na sa mahigit 1.5M katao

Lumampas na sa mahigit 1.5 milyong katao ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon sa ulat, pinakanatamaang bansa ang Estados Unidos kung saan ay nasa 451,491 ang nag-positibo habang nasa 15,938 naman ang nasawi sa nasabing sakit.

Kaugnay nito, umabot naman sa 96,000 ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19.


Nabatid na ang Europe ang pinaka-natamaang kontinente kung pag-uusapan ang kaso kung saan nasa 811,723 ang naitalang kaso habang 65,811 ang namatay.

Nangunguna sa nasabing kontinente ang bansang Italy na may 18,279 na mga namatay at sinundan naman ito ng spain na may 15,238 death toll.

Facebook Comments