BILANG NG MGA NAGBUBUKAS NG NEGOSYO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NASA HIGIT 73K NA

Nakapagtala ang department of trade and industry pangasinan ng nasa kabuuang bilang na 73, 330 na rehistradong mga negosyo sa buong lalawigan ng pangasinan.
Sa pagpapasok ng bagong taong 2023 ay dumagdag sa bilang ang higit 3, 700 na mga bagong business registrants.
Samantala, hudyat ng pagdami ng mga negosyong nagbubukasan ay ang pagbubukas din maraming oportunidad na makapagbibigay ng trabaho para sa mga tao.

Tiyak namang makakatulong ito sa business sector ng lalawigan na potensyal na magpapalakas din sa ekonomiya sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong maiooffer. Sa paanong paraan ay ang pagbabayad ng buwis na magagamit para sa pagtatatag sa mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments