BILANG NG MGA NAGFILE NG COC SA ASINGAN PARA SA BSKE 2023, UMABOT SA HALOS ISANG LIBO

Sa pagtatapos ng filing of Certificate of Candidacy para sa BSKE 2023 nitong sabado, umabot sa halos isang libo ang mga indibidwal na nafile sa bayan ng Asingan.
Ito ang pinakamaraming bilang na nagfile ng COC sa kasaysayan ng COMELEC Asingan para tumakbo sa eleksyon.
Sa tala ng COMELEC Asingan, nasa siyam na raan at limamput pito ang kabuuan ng mga kandidatong naghain ng kanilang COC noong August 28 kung saan animnaput pito sa mga ito ay tatakbo sa pagka-Punong barangay habang ang apat na raan at limamput lima ay tatakbo bilang barangay kagawad.

Animnaput isa naman ang tatakbo sa SK Chairman at tatlong daan at tatlumpu’t apat naman ang sa SK Kagawad.
Mahigpit naman na ipinaalala ng COMELEC Asingan ang tungkol sa awtomatikong pagturing sa mga nagfile bilang mga opisyal na kandidato at kung sino man ang magsasagawa ng premature campaigning ay maaaring sampahan ng reklamo. |ifmnews
Facebook Comments