Mula sa dating pito, naibaba na lang sa apat ang electric cooperatives na maituturing ng National Electrification Administration (NEA) na naghihingalo ang kondisyon batay sa isinagawang annual assessment.
Kabilang sa may matamlay na performance ay ang Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO), Basilan Electric Cooperative, Inc. (BASELCO), Lanao del Sur Electric Cooperative, Inc. (LASURECO), and Tawi-Tawi Electric Cooperative, Inc. (TAWELCO).
Ayon kay NEA administrator Edgardo Masongsong, kailangan ng mas agresibong istratehiya upang mapalakas pa ang financial at technical operations ng mga nabanggit na electric cooperatives.
Batay sa annual performance assessment results, 85 mula sa 121 ECs sa buong bansa ay nakakuha ng markang AAA mula sa NEA.
Ang naturang annual performace assesement result ay ginagamit na batayan para sa gagawing adjustments ng salaries, benefits, allowances at incentives ng mga EC officials at employees.