Umabot na sa 83 ang bilang ng mga nagkakasakit sa Pola, Oriental Mindoro dahil sa epekto ng tumagas na industrial oil mula sa lumubog na MT Princess Express.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz na inaasahang darami pa ang bilang ng mga nagkakasakit sa kanilang bayan lalo na’t apektado na rin ng oil spill ang iba pa nilang dalampasigan.
Bukod sa kabuhayan ng mga mangingisda, sinabi ni Cruz na naapektuhan na rin ang industriya ng turismo sa Pola.
Ayon kay Cruz, may mga turista na ang nagkansela ng kanilang booking sa mga resort dahil sa oil spill.
Bunsod nito na pinamamadali na ng alkalde sa may-ari ng MT Princess Express ang pagkuha sa lumubog na barko sa ilalim ng dagat.
Banta ni Cruz, patong-patong na kaso ang kahaharapin ng may-ari ng barko kung hindi agad ito makukuha.