Bilang ng mga nagpa-enroll para sa SY 2024-2025, umabot na sa 22.4 million

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nakamit na nila ang kanilang target na enrollees para sa SY 2024-2025.

Ito ay matapos na pumalo na ngayon sa 22,440,747 mula sa 27,722,835 mag-aaral ang nakapag-enroll sa buong bansa.

Katumbas anila ito ng 80.94% na kanilang target.


Ayon sa DepEd, mula nitong July 30, nadagdagan ng 877,105 ang mga nag-enroll.

Kumpiyansa ang DepEd na madadagdagan pa ang nasabing bilang sa mga susunod na araw.

Facebook Comments