Bilang ng mga nagpa-enroll sa School Year 2024-2025, mahigit 18 million na

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa 18.3 million ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll na para sa School Year 2024-2025.

Kasama rito ang mga nag-enroll sa elementary, junior high school, senior high school at alternative learning system (ALS).

Lumalabas sa datos ng DepEd na pinakamaraming nag-enroll ay sa Region 4A na umaabot sa 2.8 million na mga estudyante.


Sumunod naman ang Region 3 na may 2.1 million.

Umaasa ang DepEd na madadagdagan pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw.

Facebook Comments