Bilang ng mga nagpapabakuna, dumami kasunod ng measles outbreak sa ilang rehiyon sa bansa

Manila, Philippines – Matapos magdeklara ng measles outbreak sa ilang rehiyon sa Luzon at Visayas, biglang dumami ang mga nagpapabakuna kontra tigdas.

Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III – bumuhos ang mga magulang sa iba’t ibang health centers at ospital para pabakunahan ang kanilang mga anak.

Hindi aniya mapapagod ang DOH na hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para maging ligtas ang kanilang kalusugan.


Muli rin namang tiniyak ni duque na ligtas ang mga anti-measles vaccine na itinuturok sa mga bata.

Sa harap na rin ito ng pangamba ng publiko sa pagpapabakuna dahil na rin sa takot na dulot ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Kamakailan lang nang ideklara ng doh ang outbrek ng tigdas sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at sa Central at Western Visayas.

Facebook Comments