Bilang ng mga Nagpapagaling sa COVID-19 sa Region 2, Nadagdagan

Cauayan City, Isabela- Tumaas pa sa bilang na 3,310 ang aktibong kaso ng COVID-19 o hindi pa gumagaling sa nasabing sakit ang naitala ng buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of May 23, 2021, nakapagtala ang buong rehiyon ng 341 na bagong tinamaan ng COVID-19; 162 na bagong gumaling at labing anim (16) na namatay.

Umaabot naman sa 40,867 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa rehiyon na kung saan 36,547 rito ang nakarekober samantalang ang 998 ay nasawi.


Sa kasalukuyan, pinakamarami ang Lalawigan ng Isabela sa rehiyon sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na umaabot sa 1,292 sumunod ang Cagayan na may 1,286; nasa 536 sa Nueva Vizcaya; 163 sa Quirino; tatlumpu’t tatlo (33) sa Santiago City habang nananatiling COVID-19 free ang Batanes.

Facebook Comments