Bilang ng mga nagpapakasal, bumaba ng 50% sa nakalipas na sampung taon ayon sa PSA

Bumaba ng 50% ang mga nagpapakasal noong 2020 batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA Administrator Carmelita Ericta, mula sa dating 482, 480 noong 2010 ay bumaba ng halos kalahati ang mga nagpapakasal.

Sa nasabing survey, ang buwan ng Pebrero ang mas pinipiling panahon ng mga magkarelasyon ng kanilang pagpapakasal habang ang buwan ng Agosto ang kakaunti ang nagpapakasal.


40% din ng mga nagpapakasal ay mas pinipili na civil ang kasalan kaysa gawin sa simbahan.

Lumalabas din sa datos, mas maraming babae ang gustong magpakasal sa edad na 25 habang ang lalaki naman ay gustong ikasal sa edad na 28.

Mas marami ring lalaki na nasa edad 50 pataas ang bago pa lamang nagpapakasal kumpara sa mga babae.

Facebook Comments