Bilang ng mga nagparehistro na mga taga-San Juan City para sa COVID-19 vaccine, umabot na ng 14,000

Ikinatuwa ng pamahalaang lungsod ng San Juan na patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpaprehestro na mga residente nito para sa COVID-19 vaccine.

Batay sa datos ng COVID-19 vaccination registration, nasa 14,031 na mga indibiduwal ng lungsod ang tiyak na lalahok sa malawakang libreng bakuna laban sa naturang sakit.

Karamihan sa mga nagparehistro ay may edad 30 hanggang 59 years old dahil meron na itong bilang na 6,868.


Samantala, hinikayat naman ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang mga residente niyo na magpalista para sa kanilng COVID-19 Vaccination Program.

Giit niya na ang bakuna ay proteksyon hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa mga mahal sa buhay.

Kamakailan, kumuha na ng bakuna laban sa COVID-19 ang lungsod matapos itong makipagkasundo sa AstraZeneca, isang British-Swedish multinational pharmaceutical and biopharmaceutical company na magbibigay sa lungsod ng nasabing bakuna.

Facebook Comments