Bilang ng mga nagparehistro ng SIM card, umabot na sa 20.5-M as of January 15 ayon sa DICT

Umabot na sa 20.5 milyon na subscriber identity module (SIM) card ang nairehistro na hanggang nitong January 15, 2023.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang naitalang 16,150,926 na SIM cards ay halos 10% pa lamang ng mga SIM na dapat maiparehistro.

Sa ngayon, umabot na sa 12.16 na porsyento ng mahigit 168 milyong subscribers sa bansa ang naitala na ng Smart Communications, Inc., Globe at DITO Telecommunity, batay na rin sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC).


Nakapagtala ang Smart Communications Inc., ng mahigit 10 milyong SIM registered kung saan 14.77% ito ng kanilang mahigit 67 milyong subscribers.

Habang ang Globe Telecom Inc., ay nakapagparehistro na ng mahigit 8 milyong SIM card o katumbas ng 9.97% ng mahigit 87 milyong subscribers.

Ang DITO Telecommunity Corp., naman ay nakapagparehistro ng 1,744,935 SIM card o 13.31% ng mahigit 13 milyong subscribers nito.

Nanawagan si DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo sa publiko na iparehistro na ang kanilang SIM card at huwag nang antayin ang deadline sa April 26, 2023.

Muling tiniyak ni Lamentillo na na may inilagay na proteksyon ang nilikhang batas para pangalagaan ang data ng mga subscriber.

Facebook Comments