Bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at SK Elections, umabot na sa 200,000 — COMELEC

Umabot na sa 200,000 ang bilang ng mga nagparehistro sa voter registration.

Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, karamihan dito ay mga first-time voter o mga nasa tamang edad na para makaboto.

Muli naman hinikayat ng poll body na samantalahin ang natitirang araw ng voter registration na magtatapos sa Agosto 10 habang hanggang Agosto 7 na lamang ang Special Register Anywhere Program sa mga mall, simbahan, at iba pa.

Samantala, inaasahan na ng COMELEC na dudulog sa Korte Suprema ang Election Lawyer na si Atty. Romulo Macalintal upang hilingin na maglabas ng temporary restraining order sakaling maisabatas ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at SK Elections ngayong taon.

Kasunod nito, sinabi ni Garcia na handa silang humarap sakaling magpatawag ng pagdinig ang Korte at kikilalanin pa rin ng COMELEC ang magiging pasya ng kataas-taasang hukuman anumang magiging desisyon nito para sa halalan at sa napipintong paglagda ng Pangulo sa naturang panukala.

Facebook Comments