Bilang ng mga nagparehistro para sa midterm elections, mas lalo pang dumami

 

Pumalo na higit 2.5 milyon ang bilang ng mga bagong nagpaparehistro sa nagpapatuloy na voter registration ng Commission on Elections (Comelec) para 2025 midterm elections.

Sa datos ng Comelec, pinakamarami sa mga nagparehistro ay sa Region 4 o Calabarzon na may 466,768 na sinundan ng National Capital Region – 378,553; Region 3 – 295,635; at Region-7 na may 181,283 na bagong botante.

Kaugnay nito, nakikita na ng Comelec na malalagpasan nila ang target tatlong milyong bagong botante bago ang 2025 midterm elections.


Ang deadline naman ng voter registration ay hanggang September 30 habang hanggang August 31 naman sa Register Anywhere Program.

Muling iginiit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi na palalawigin ang voter registration dahil sapat na ang panahong ibinigay nila para dito.

Facebook Comments