Bilang ng mga nagparehistro sa PasigPass, umabot na ng mahigit isang milyong indibidwal

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasig na umabot na ng 1,010,556 ang bilang ng mga indibidwal na mga nag-download ng PasigPass QR code, batay sa pinakahuling tala nito ngayong araw.

Sinabi ni Mayor Vico Sotto, noong unang araw ng December mayroon pa lang 699,938 na mga indibidwal ang nag-download ng PasigPass QR Code.

Pero ngayon, nasa mahigit isang milyon na ito.


Pagdating naman sa mga establisyimento, tumaas din ang bilang ng mga gumagamit na nito.

Mula sa 1,754 establisyimento na mayroon ng PasigPass noong December 1, pero ngayong araw ay nasa 2,246 na ito.

Matatandaang ipinag-utos ang pagpapatupad ng PasigPass ng pamahalaang lungsod ng Pasig upang mapadali ang contact tracing, pagkuha ng health information at magkaroon ng data base ang lungsod kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments