Umabot na sa mahigit 37 milyong mga Pilipino ang nakapagparehistro sa unang step ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), hanggang nitong July 2, 2021, nasa 37.2 milyon na ang rehistrado sa Step 1 o demographic data collection.
Nasa 16.2 milyon naman ang nakakumpleto ng Step 2 registration o biometrics capture.
Samantala, 343,742 registrant na ang nakakuha ng kanilang Philippine ID cards.
Hinikayat naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang mga Pilipino na magparehistro na upang maabot ang target na 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino na nakapagrehistro sa PhilSys.
Facebook Comments