Umaabot na sa higit 100,000 ang bilang ng mga kabataan sa lungsod ng Maynila na nagparehistro upang mabakunahan kontra COVID-19.
Sa datos ng Manila Local Government Unit (LGU), nasa 111,147 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad mula 12 hanggang 17 anyos ang nagparehistro.
Pinakamarami sa mga kabataan na nagpatala ay mula sa District 1 at 2 na nasa 41,788 ang bilang.
Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang panghihikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa iba pang kabataan na magparehistro na upang mabigyan na rin ng bakuna kontra COVID-19 kung saan pinapayagan ang mga hindi residenteng kabataan sa lungsod basta’t dito nag-aaral.
Pumalo naman na sa 56,832 ang bilang ng mga kabataan na naturukan na ng bakuna at 554 sa kanila ang nakakumpleto na ng bakuna o nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Muling isasagawa ang second dose vaccination sa mga kabataan na nabakunahan ng Pfizer noong October 25, 2021 kung saam ikakasa ito sa anim na district hospitals.
Habang magkakaroon rin ng first dose vaccination para sa mga kabataan sa anim eskwelahan gayundin sa mga district hospital na mayroon tig-500 doses ng bakuna.