Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, halos 23,000 na

Pumalo na sa 22,992 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ngayong araw ang 518 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

280 rito ang fresh cases habang 238 ang late cases.


Anim naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 1,017.

Habang umabot na sa 4,736 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 99 new recoveries.

Samantala, umakyat na sa 5,401 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 12 bagong kaso.

64 naman ang nadagdag sa mga nakarekober sa virus na umabot na sa 2,295.

Habang siyam ang naitalang nasawi na mayroon nang kabuuang 380.

Facebook Comments