Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, umabot na sa 14,319

Pumalo na sa 14,319 ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 284 na panibagong mga kaso.

Sa nasabing bilang, 10,123 ang aktibong kaso ng virus.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 60% o 171 sa mga panibagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR).


Habang 25% o 70 rito ay naitala sa Region 7 at 15% o 43 sa mga panibagong kaso ay naitala sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Lima naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 873.

Nadagdagan naman ng 74 ang mga gumaling na umakyat na sa 3,323.

Samantala, nadagdagan ng 94 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 mula sa 46 na mga bansa at rehiyon dahilan para sumampa ito sa 2,617.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, umabot na sa 889 ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 10 new recoveries habang 1,400 pa ang ginagamot sa mga ospital.

Umabot naman sa 328 ang nasawi matapos madagdagan ng 34 new death cases.

Facebook Comments