Umabot na sa mahigit 1.7 milyong katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon sa ulat, nakapagtala ang bansang Estados Unidos na mataas na bilang na nagpositibo kung saan ay umabot na sa kalahating milyon o nasa 502,318 habang nasa 18,637 naman ang namatay at 27,314 ang nakarekober sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, umabot naman sa 102,718 ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 at ang nakarekober ay nasa 376,254.
Samantala, nabatid na ang Europe ang pinaka-natamaang kontinente kung saan ang bansang Italy ay may mataas na bilang na mga namatay na nasa 18,849 at sinundan naman ito ng Spain na may 16,081 death toll.
Facebook Comments