Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng PNP, umabot na sa mahigit 40,000

Umabot na sa 40,070 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinakahuling datos ng PNP, 111 bagong kaso ang naitala kung saan 1,959 ang aktibo.

Nadagdagan naman ng 175 ang bilang ng mga gumaling para sa kabuuang 37,992 recoveries.


Habang 119 na ang mga nasawi sa COVID-19 sa PNP matapos makapagtala ng isa.

Facebook Comments