Pumalo na sa 138 na mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Manila International Authority (MIAA) Spokesperson Connie Bungag, sa nasabing bilang, 15 ang active cases matapos makarecover ang 122 habang isa ang nasawi.
Karamihan sa mga kawani ng MIAA na nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa Airport Police Department, Security and Emergency Services, Intelligence and Investigation Division / Intelligence Assessment Management Division at iba pa.
Nilinaw naman ni MIAA General Manager Ed Monreal na walang dapat ipangamba sa operasyon ng paliparan dahil maliit lamang na porsiyento ito mula sa kabuuang mahigit 4000 na mga kawani ng MIAA.
Bukod dito, mahigpit naman aniya nilang sinusunod ang health protocols.
Ipinasara na rin ni Monreal ang mga designated smoking areas sa apat na terminal ng NAIA para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sumailalim na rin sa swab test ang halos lahat ng mga kawani ng MIAA.