Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea, sumampa na sa 3,526

Sumampa na sa 3,526 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa South Korea.

Ayon sa Korea Centers for Disease Control ang prevention (KCDC) – nasa 376 ang nadagdag sa listahan ngayong araw na tinamaan ng sakit sa naturang bansa.

333 ang mula sa Southeastern city ng Daegu at 26 naman ang mula sa North Gyeongsang.


Nananatili naman sa 17 ang nasawi sa South Korea dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, pinayuhan ng mga health authorities ang mga residente na ipagpaliban muna ang pagpunta sa religious at political events at manatili muna sa loob ng bahay.

Samantala, nakapagtala na ang thailand ng unang kaso ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Department of Disease Control Director-General Suwanchai Wattanayingcharoen ngayong araw.

Ang unang kaso ay mula sa 35-anyos na lalaki na pumanaw na.

Tinatayang may 42 na kaso ng COVID-19 ang Thailand na naitala simula Enero kung saan 30 na ang nakarecover habang 11 pa ang nananatili sa hospital.

Facebook Comments