Umakyat pa sa 6,080 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Base sa pinakahuling report ng Quezon City Health Department, nasa 2,486 sa nabanggit na bilang ang active case.
Tumaas naman sa 3,203 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa lungsod matapos madagdag ng 42 na bagong recoveries.
Tatlo naman ang nadagdag sa mga nasawi na mayroon nang kabuuang bilang na 292.
Inilagay naman sa Special Concern Lockdown ang mga sumusunod na lugar dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 cases:
Loans St., Alley 4, sa Sangandaan
FVR Building along Guirayan Street sa Dona Imelda
Fatima St. cor. Liwanag sa San Vicente
14G Maayusin Ext. sa San Vicente
Maparaan St. to 87 Kalayaan St. sa Central
Ruby Stone HOA sa Kaligayahan
127 Rebisco Road sa Nagkaisang Nayon
Sitio Ruby sa Fairview
5A Cenacle Compound sa Culiat
Mariveles St. sa Paang Bundok
238 Mayon Ave. sa Maharlika
Howmart Road, Portions of Alley 2 at 3 sa Baesa
No. 8A, Mariveles St. sa Sta. Teresita
87-91 Gumamela St., 1-3 Umbel St, sa Roxas
950 Interior, Aurora Blvd., sa Mangga