Bilang ng mga nagsasabing dapat ituloy ang pagdaraos ng 2020 Tokyo Olympics ngayong 2021, bumaba pa

Bumaba pa lalo ang bilang ng mga sumusuporta o nagsasabing dapat ituloy na ang pagdaraos ng 2020 Tokyo Olympics ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat, mahigit 80 percent sa mga tinanong ng Kyodo News Agency ang nagsabing dapat kanselahin o ipagpaliban ulit ang 2020 Tokyo Olympics.

Mas mataas ito kumpara sa nasa 60 percent na naitala naman sa survey na isinagawa noong Disyembre 6.


Pero ayon sa mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics, dapat nang matuloy ngayong taon ang naturang sporting event kahit pa idineklara ang state of emergency sa malaking bahagi ng Tokyo dahil sa surge ng COVID-19 cases.

Paliwanag naman ni Prime Minister Yoshihide Suga, committed ang Japan na idaos ang Olympics sa ligtas at secure na pamamaraan.

Habang naniniwala rin ito sa saloobin ng publiko sa oras na masimulan na ang vaccination program sa bansa na sa ngayon ay nakatakda sa darating na Pebrero.

Facebook Comments