Jolo, Sulu – Nabawasan na ang bilang ng mga nagsisimba sa Jolo, Sulu matapos ang nangyaring twin bomb sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.
Ayon kay Father Ranil Janquin ng Sacred Heart of Jesus Asturias Chapel sa Jolo, hindi maiiwasan na marami ang natakot na maulit ang pagpapasabog sa Sulu.
Gayunman, saludo aniya siya sa ilang mananampalataya na malakas pa rin ang loob at patuloy na nagsisimba.
Umaasa rin aniya sila na manunumbalik din ang dami ng bilang ng mga mananampalataya na magsisimba.
Facebook Comments