Natutuwa ang Philippine National Police sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa ECQ.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Lieutenant General Guillermo Eleazar na nuong unang araw na ipatupad ang ECQ sa buong Luzon nasa 8 libong indibidwal ang kanilang naaresto.
Pero nitong nakalipas na walong araw kung saan iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extensive na pagpapatupad ng ECQ ay umabot lamang sa 1900 violators ang kanilang nahuli.
Sa kabuuan, nasa 156,000 ECQ violators ang naitala ng PNP magmula nuong March 17 pero nasa 41,000 lamang ang kaning inaresto habang ang iba ay kanila lang binigyan ng babala.
Iniulat din ni General Eleazar na bumaba ang crime rate sa bansa.
Sa Luzon ay bumaba aniya ng 67% ang krimen habang sa Visayas ay 58% at sa Mindanao ay 51% o kabuuang 61% na pagbaba ng crime rate sa buong bansa.