BILANG NG MGA NAIPAPANGANAK NA SANGGOL SA CORDILLERA, DUMARAMI!

Baguio CIty, Philippines – Umabot na sa 39,557 ang bilang ng Birth Registration sa Cordillera Administrative Region noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng .07 percent kumpara sa mga nairehistrong mga sanggol noong 2016 na umabot naman sa 39,531.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority-Cordillera ay umaabot sa 108 na sanggol ang naipapanganak araw araw sa taong 2016 at 2017.

Samantala naitala naman ang pinakamataas na bilang ng registered birth sa Benguet na umabot sa 16,941. Sa kabila naman ng pagtaas ng bilang ng birth registration ay bumaba naman ang bilang ng marriage registration sa Cordillera Administrative Region ng 4.2 percent.


Facebook Comments