Bilang ng mga naitalang aberya ng MRT, nabawasan na ayon sa isang opisyal ng DOTr

Manila, Philippines – Ipinagmalaki na pamunuan ng Metro Rail Transit na bumaba ang bilang ng mga naitalang aberya ng MRT Line 3 sa unang tatlong buwan ng 2017.

Ito Ay batay sa inilabas na datos ng unloading incident ng MRT sa unang bahagi ng 2017 kung ikukumpara nuong nakaraang taon.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, umabot sa 107 na unloading incident ang kanilang naitala mula Enero hanggang Marso ng kasalukyang taon.


Paliwanag ni Chavez mas mababa sa naitalang 133 Unloading Incident na naitala sa kaparehas na taon nuong 2016.

Dagdag pa ni Chavez na isa sa mga nakikitang dahilan ng madalas na aberya ng MRT ay ang hindi pagbili at palagiang pagpapalit ng spare parts ng mga bagon.
DZXL558

Facebook Comments