BILANG NG MGA NAITALANG AKSIDENTE SA PANGASINAN, TUMAAS

Nakitaan ng pagtaas sa bilang ng mga naitalang aksidente sa Pangasinan sa unang kwarter ng taon.

Sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), mula January 1 hanggang nitong March 15, nasa 499 ang naitalang disgrasya sa kakalsadahan, kung saan mas mataas ito mula sa 408 na kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon (2024).

Ilan sa mga sanhi ng aksidente ay pagkawala ng kontrol, nasa ilalim ng impluwensya ng alak at iba pa.

Lumalabag din ang mga ito sa hindi pagsusuot ng helmet at walang kaukulang driving documents tulad ng driver’s license.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nadadagdagan ang naitatalang bilang ng vehicular accidents sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya.

Paalala na awtoridad ang ibayong pag-iingat upang hindi madisgrasya at hindi na rin makapandamay pa ng iba pang buhay lalo na kung dahil sa kapabayaan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments