Bilang ng mga naitatalang nasawi dahil sa COVID-19, bumaba sa tatlo kada araw ngayong Setyembre – DOH

Bumaba sa tatlo kada araw ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong Setyembre.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa ang nasabing bilang kumpara sa dating 17 na kaso ng pagkamatay kada araw noong Agosto.

Sa kabila nito, nagpaalala ang opisyal sa publiko na huwag magpa-kampante at maging protektado pa rin laban sa nasabing virus, dahil magpapatuloy pa rin banta nito.


Batay sa datos ng ahensya kahapon, 248 ang bilang ng mga naiulat na namatay dahil sa COVID-19, dahilan para sumampa sa 62,587 ang kabuuang bilang ng namatay sa bansa.

Samantala, nilinaw ni Vergeire na dumadaan sa masusing kumpirmasyon ang mga naiuulat na namamatay dahil sa virus, kaya naaantala ang pag-anunsyo ng mga datos nito.

Facebook Comments